Brutal ang ginawang pagpaslang sa isang model mula Hong Kong matapos madiskubre ang ilang bahagi ng katawan nito sa refrigerator.
Kinilala ang modelo na si Abby Choi, 28, nakita ang bangkay nito sa isang nirerentahang bahay sa bayan ng Lung Mei sa Hong Kong.
Ayon sa pulisya, nakita sa ref ang ilang body parts ni Abby ngunit ang ulo, katawan at kamay nito ay wala sa pinangyarihan ng krimen.
Nakita rin sa bahay ang ilang tools tulad ng chainsaw, meat grinder at raincoat.
Ayon kay Police Superintendent Alan Chung, natuklasan din na may mga parte ng katawan na nakita sa ilang soup sa bahay.
Patuloy pang hinahanap ng pulisya ang mga suspek, na hinihinalang biyenan ni Abby dahil ‘yon ang umupa ng bahay.
Si Abby ay matatandaan lumabas sa isang fashion magazine noon lamang nagdaang buwan. (RP)