WebClick Tracer

Manyakis ng bata, bawal dapat aregluhin – Boying Remulla

Giniit ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na hindi dapat mauwi sa areglo ang kasong may kinalaman sa child sexual abuse.

Ayon sa kalihim, lalakarin nila na matanggal ang amicable settlement para sa naturang mga kaso kung saan naaabuso ang mga bata, kasama na rito ang incestuous rape o ang panghahalay sa kadugo.

Aniya, nangyayari ang areglo dahil sa ‘legal tradition’ na mayroon sa Pilipinas kaya nakalulusot ang mga rapist ng mga musmos.

“We plan on consulting the Court Administrator about this and we’re going to write to the Chief Justice so the Supreme Court can have a guideline for our tribunals about this,” lahad ni Remulla.

Dapat raw ay maging non-negotiable na ang mga ganitong kaso para masigurong makulong ang mga rapist at hindi basta-basta makalaya na walang accountability. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on