Kumpirmadong nasawi ang apat na pasahero ng Cessna plane na bumagsak sa Albay.
Kinumpirma ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo sa CNN Philippines na ang dalawang katawan ng Pinoy crew at dalawang Australian national ay natagpuan na.
Kinilala ang mga nasawing pasahero na sina pilot Capt. Rufino James T. Crisostomo Jr., crew Joel G. Martin at ang Australians na si Simon Chipperfield at Karthi Santana, technical consultants sa isang local geothermal firm.
Inaasahan naman na ibababa ng retrieval team ang mga katawan ng pasahero ngayong araw.
(CS)