Pangmalakasan ang birthday message ni Senador Bong Revilla sa kanyang BFF na si Senador Jinggoy Estrada sa ika-60 kaarawan nito.
Sa kanyang birthday greetings, tinawag ni Revilla si Estrada bilang “kosa” at sinabing “solid” ang kanilang friendship.
“Binabati ko ng isang mainit at maligayang kaarawan ang aking matalik na kaibigan at kasamahan sa pagseserbisyo sa bayan – Sen. Jinggoy Estrada!” ani Revilla sa Facebook post nitong February 17.
“Here’s to more years of solid friendship and blissful celebrations! Happy Birthday, Kosa! God bless you, mabuhay ka!” dagdag niya.
Sa comment section ay nagpasalamat sa kanya si Estrada.
“Maraming salamat Senator Ramon Bong Revilla, Jr.”
Magugunitang kapwa nakulong ang dalawa sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot umano sa pork barrel scam.
Nalampasan nila ang naturang hamon at naipagpatuloy ang public service bilang mga senador. (IS)