WebClick Tracer

Coco Martin siniwalat kung bakit ang init-init laging naka-jacket

Sinagot ni Kapamilya actor Coco Martin ang mga taong nagtataka kung bakit lagi siyang naka-jacket kahit laging mainit sa Pilipinas.

Sa mga teleserye kasi ay mapapansing laging may kasamang jacket ang OOTD niya.

Paliwanag ng aktor, sa loob ng pitong taong ginagawa niya ang “Ang Probinsyano” ay isinasabuhay niya ang kanyang character.

“Kaya minsan nawiwirduhan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket’. Totoo ‘yon. Sabi ko, ‘Paano ko miaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’” ani Coco.

Dagdag niya, na kapag sinusuot niya ang kanyang karakter na si Cardo Dalisay, madali na niyang i-portray ito.

“Hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na,” patuloy niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on