WebClick Tracer

Hindi magsasara ang ALLTV – Mark Villar

Hindi magsasara ang ALLTV, ayon kay Senador Mark Villar.

Sa kabila ito ng mga ulat na sinuspinde nito ang production ng mga orihinal nitong palabas dahil sa mahinang ratings umano, kabilang na ang “Wowowin” ni Willie Revillame.

Ani Villar, may mga pagbabago silang isinasagawa upang mapabuti ang mga programa ng ALLTV.

“Nagsisimula [pa lang] ‘yung ALLTV so siyempre ano rin, there’s some… minsan may mga changes na ginagawa. So I think tuloy, I mean, hindi magsasara ang ALLTV,” ani Villar sa report ng Politiko.

“Kung may mga changes na kailangang gawin, gagawin nila para ma-improve ‘yung product, ganun lang. Ganoon lang kasimple ‘yun,” patuloy niya.

Ang ALLTV, na pag-aari ng pamilya Villar, ang siyang napapanood ngayon sa Channel 2, na dating sa ABS-CBN. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on