WebClick Tracer

Trillanes: PNoy mahusay at tapat hindi korap

Nagbigay-pugay si dating Senador Antonio Trillanes IV sa yumaong dating Pangulo Benigno Aquino III na dapat sana’y magdiriwang ng kaniyang ika-63 kaarawan ngayong Pebrero 8.

Pinuri ni Trillanes ang pagiging tapat at mahusay nitong pamumuno nang magsilbi siya bilang pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Trillanes na nagnasang manatili sa kapangyarihan at hindi rin siya korap at nang-api sa iba.

“Bilang pangulo, hindi sya naghanap ng pagkakakitaan. Hindi sya naghangad ng RevGov o ChaCha para manatili sa pwesto,” sabi ni Trillanes.

“Hindi sya nang-api ng kapwa. Nanilbihan lang sya nang mahusay at tapat. Happy Birthday, Mr. President!” dagdag pa ng dating kaalyado ni Aquino.

Si Aquino, anak ng dalawang democracy icons ng bansa na nakilala sa kaniyang ‘Daang Matuwid’ na istilo ng pamumuno noong panahon ng kaniyang termino ay pumanaw noong Hunyo 24, 2021 sa edad na 61.

Binigyan din siya ng kredito sa kasunduang pangkapayapaan o peace accord sa Muslim separatist rebels, matatag ng ekonomiya, arbitration case laban sa pananakop ng China sa West Philippine Sea at maraming pang iba. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on