WebClick Tracer

Rachel Peters at Migz Villafuerte, magkakaroon na ng baby boy

Inanunsyo na ng beauty queen na si Rachel Peters at ng kanyang asawa na si Migz Villafuerte sa Instagram na magkakaroon na sila ng anak na lalaki.

“A dream come true,” ani Rachel.

“I love Mondays and knowing it’s the start of a fresh week, so wanted to spread positive vibes and share our happy news,” dagdag pa niya sa kanyang caption sa Instagram.

Nito lamang Enero nang inanunsyo ng dalawa na magkakaroon na sila ng pangalawang supling.

Mayroon na silang dalawang anak na pinangalanan nilang Kaia Rose.

“Been baking a little bun. Can’t believe we’re a family of four!!!” saad niya.

“Also belated happy birthday to the hubs — you already know this counts as your gift for the next few years. Love you & love us forever,” bati niya kay Migz na nagdaos ng kaarawan nito lamang Enero rin.

Matatandaang nagpakasal ang dalawa sa isang civil union sa Maynila noong Hulyo 2021.

Sinabi naman ni Rachel na may una na silang baby noong Oktubre 2021.

“16 weeks today! Took this a few days ago in Japan and realised its my first bumpfie with our little avocado sized bb!” aniya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on