WebClick Tracer

Leni Robredo inalala ang araw ng proclamation rally

Sa pamamagitan ng isang social media post, ginunita ni dating vice president Leni Robredo ang araw kung saan ginanap ang proclamation rally nila ni dating senador Kiko Pangilinan sa Naga City.

Makikita sa larawan ang libo-libong tao sumuporta sa kanilang tambalan.

“One year ago today. Honor of a lifetime” saad sa caption ni Robredo.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizen.

“Yung dahil sa iyo ay muling naramdaman ang maalab na pagkakaisa at pagasa, malaking pabaon sa amin iyon para sa mga susunod pang pagsubok. Maraming salamat po.”

“Lalaban ulit tayo! Walang masamang umulit. Malay mo sumangayon na satin ang tadhana para sa pinaglalaban nating Gobyernong tapat upang maiangat ang buhay ng nagkakaisang Pilipinas!”

“Honored and proud to have supported you and voted for you and Sen Kiko.”

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on