Kumpirmado ng hindi makapaglalaro sa paparating na NBA All-Star Game si Kevin Durant, ito ay dahil sa kaniyang injury.
“Brooklyn Nets star Kevin Durant (MCL sprain) will not play in the All-Star game on Feb. 19 in Salt Lake City,” ayon kay Chris Haynes.
Ilang linggo na rin na hindi nakakasama ng Nets si Durant.
Si Durant ay may average ngayong season na 29.7 puntos, 6.7 rebounds at 5.3 assists.
Kamakailan lang ay iniwanan na si Durant ng kaniyang ka-tandem sa Nets na si Kyrie Irving. Si Irving ngayon ay maglalaro na para sa Dallas Mavericks. (CS)