Ibinahagi ni Neri Naig sa social media ang matamis nitong mensahe para sa kaarawan ng kaniyang asawa na si Chito Miranda.
Pinasalamatan ni Neri si Chito sa lagi nitong pagsuporta sa kaniya.
“Happy birthday sa best husband para sa akin! Thank you sa support mo palagi sa akin.”
Mas masarap umanong mangarap na kasama si Chito at unti-unti ay natutupad na nila ang kanilang mga pangarap.
“Because of you, napapagaan ang trabaho ko. Because of you, mas masarap mangarap. At dahil sa’yo, natutupad dahan dahan ang lahat ng mga yun na magkasama tayo. Thank you, Dad!”
Hanga rin si Neri kung paano maging mabuting ama si Chito at ang pagbibigay nito ng oras para sa kanilang mga anak.
“Ikaw ang the best dad para sa mga bata. Kahit pagod ka sa gigs mo, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata. Kami ang priority po.”
Sa kasalukuyan, umabot na sa lagpas 5,000 likes ang pumuso sa nasabing post.
(CS)