Sa gitna ng apela ni Willie Revillame na suportahan ng publiko ang mga palabas sa ALLTV at isantabi ang politika, lumutang ang video ng pakikipagtawanan niya patungkol sa isang nawalan ng prangkisa.
Ibinahagi ito ng Twitter user na si @05WILDFLOWER09.
“Ngayon ka tumawa Willie Revillame,” saad ni@05WILDFLOWER09 sa video, kung saan mababasa ang, “Noong nagsara ABS-CBN nakitawa. Karma?”
Makikita sa video na magkausap sina Revillame at dating presidential spokesman Harry Roque.
“Sa kauna-unahang pagkakataon, ikaw lang ang napapanood sa buong bansa,” biro ni Roque kay Revillame.
Natawa at napapalakpak dito ang TV host.
“Alam mo, duda ko, kaya ‘yung isa nawalang prangkisa, ikaw may kagagawan niyan eh,” hirit muli ni Roque.
Muling natawa rito si Revillame.
“Set aside politics? In the first place kaya niyo nakuha ang frequency ng ABS-CBN was because of politics. Patawa ka,” react ni @akosiBIKOY.
“Pakiforward nga to kay Kuya Wil nang maremind siya. Baka kasi nagka memory loss na,” sambit naman ni @mabinladen. (IS)
Ngayon ka tumawa Willie Revillame..'Namoka..!!😠😠
Ctto pic.twitter.com/krrvfXKYaJ— 𝑇𝐻𝐸𝑃𝑅𝑂𝐷𝐼𝐺𝐴𝐿𝑆𝑂𝑁☮️😎🔞 (@05WILDFLOWER09) February 5, 2023