Na-shookt ang netizens sa revelation ng young actress na si Faith Da Silva tungkol sa kanila ng veteran actor na si Albert Martinez.
Sa February 7 episode ng “Fast Talk”, prangkahang tinanong ni Boy Abunda si Faith kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Martinez.
Nagsimulang ma-link sina Faith at Albert nang magkasama sila sa teleseryeng “Las Hermanas”.
“Nagkaroon ka ba ng relasyon kay Albert Martinez?” tanong ni Boy kay Faith.
Sey ni Faith, hindi raw sila nagkaroon ng relasyon ngunit aminado siyang nagkagusto sa aktor.
“Nagustuhan ko siya kasi nakita ko kung paano niya ako inalagaan and kung paano niya ako ang ginuide bilang bagong artista ako eh. First show ko ‘yun at siya veteran na siya bilang artista pero hindi niya pinaramdam sa akin ‘yung level niya malayo sa akin,” paliwanag ni Faith.
“Mabait siya. He’s sweet. Kaya lang nga alam ko na super love niya ‘yung late wife niya,” dagdag niya.
Nilinaw niyang walang narating na kung anuman ang pagkagusto niya sa aktor at nananatili raw silang magkaibigan ni Albert.
Sa ngayon ay single pa raw si Faith. (IS)