WebClick Tracer

Marcos sa publiko: magbayad ng tamang buwis, paghabol sa tax evaders paiigtingin

PBBM

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na magbayad ng tamang buwis upang masuportahan ang pagbangon ng bansa mula sa epektong idinulot ng pandemya.

Sa kanyang pagdalo sa kickoff ng pinalakas na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa tax evaders, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang makikipagtulungan ang publiko sa gobyerno upang mapahusay ang sistema ng pangungulekta ng buwis.

“I encourage the public to pay the correct amount of taxes on time to support the country’s economic recovery and expansion so critical in this time. It is my confidence that you will continue to cooperate, collaborate, and coordinate with the government on how to improve the experience of our tax collection system,” anang Pangulo.

Hinamon naman ni Marcos Jr. ang mga opisyal at tauhan ng BIR na pagbutihin pa ang trabaho at ipakita ang propesyunalismo at integridad upang makuha ang tiwala ng publiko.

Kumpiyansa ang Presidente na kapag nangyari ito ay magkakaroon ng mas maraming oportunidad lalo na ngayong bumabangon na ang bansa mula sa epekto ng global health crisis mula sa mahigit dalawang taon ng pandemya.

“I also furthermore challenge the men and women of the BIR to work towards further gaining the confidence of the public in the tax system by upholding the highest standards of integrity, professionalism, and competence in the performance of your duties,” dagdag ng Pangulo.

Tiniyak ng Pangulo ang suporta sa ahensiya upang lalo pang mapahusay ang pangungulekta ng buwis kasabay ang pagsiguro na magagamit ang nakukulektang salapi sa tamang paraan at mga programang magpapabago sa bujay ng bawat Pilipino.

“Rest assured that this government will remain committed to managing and utilizing these contributions for the benefit of the country and for every Filipino. And also we will ensure that every peso of taxes paid will become an investment in uplifting the quality of lives of every Juan and Juana,” wika ng Pangulo.(Aileen taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on