WebClick Tracer

Fiancee ni Jovit dinalaw anak ng singer sa una

Naiyak ang mga netizens sa Facebook video ni Camille Ann Miguel kung saan makikitang dinalaw niya ang anak ni Jovit Baldivino sa ex-partner nitong si Shara Chavez.

Binisita ni Camille ang daughter ni Jovit mula sa kanyang dating girlfriend na si Shara Chavez.

Makikita sa video na maayos ang relasyon ni Camille sa naulilang anak ni Jovit, kung saan nag-abot pa siya rito ng mga laruan.

Hindi naman napigilan ng mga netizens ang maging emosyonal dahil kahit pumanaw na si Jovit ay pinapakita pa rin ni Camille ang kanyang pagmamahal sa naulila ng kanyang partner.

Heto ang ilan sa komento ng mga netizens:

“Naiyak ako miss Camille Ann Miguel napaka swerte po ni akeya po sayo .,alam ko po masaya po si idol ngaun nakita nya kau ganyan.”

“Wow super bait nman ni ma’am Camille Ann Miguel sobrang nkkatouch nman po super sweet and close kau ni akiya, sigurado po nkkita kau ni idol jovit super happy sya sa heaven”

“Ako yong naiyak dito. Alam ko masaya c idol sa mga ginagawa mo maam Camille Ann Miguel kasi kahit wala na sya andyan ka padin sa pamilya at anak nya.”

TELETABLOID

Follow Abante News on