WebClick Tracer

Faith kinahiya pagkakakulong ng amang si Dennis Da Silva

faith da silva

Inamin ni Faith Da Silva na kinahiya niya nang makulong ang kanyang ama at dating aktor na si Dennis Da Silva dahil sa kasong rape at child abuse.

Sa February 7 episode ng “Fast Talk With Boy Abunda”, isiniwalat ni Faith na mahigit 20 taon na niyang hindi nakikita ang ama, 2-anyos siya nang makulong si Dennis.

Noong 2020 hinatulan si Dennis ng life imprisonment ng Pasig City Regional Trial Court dahil sa mga kasong rape at child abuse na isinampa ng dati niyang live-in partner.

“Yeah, before when I was younger,” pag-amin ni Faith nang tanungin ni Abunda kung kinahiya niya ang pagkakakulong ng ama.

“Kinahiya ko lang naman noon dahil hindi ko naiintindihan kung ano ‘yung mga nangyayari,” paliwanag naman ni Faith.

“Siyempre bata ako eh, sino ba namang gugustuhin na magkuwento ka sa mga classmates mo na, ‘Oh, ‘yung dad ko is in jail.’ Who would want to say that? No one,” dagdag pa niya.

Matagal-tagal din daw bago napatawad ng aktres ang kanyang ama.

“Medyo matagal-tagal na na napatawad ko siya. I’ve made peace with the fact na you know, ‘yung buhay na meron ako ay hindi normal.”

Samantala, nagbigay din siya ng mensahe para kay Dennis.

“Everything that happen in the past, wala na ‘yun, wala na ‘yun sa utak ko. We can always start over, gusto ko ma-experience ‘yung pagmamahal ng tatay and alam ko sa’yo ko lang ‘yun makukuha. Pero hindi ko mamadaliin ang lahat, maghihintay ako…

“Pag naging ready ka na, pag naging fully ready na din ako at ‘yung pagkakataon ibigay sa atin ng Diyos alam ko na ‘yun ‘yung magiging life changing moment sa buhay ko.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on