Humakot ng reaksyon ang comment ng netizen na dapat nang tanggalin sa high school ang “Ibong Adarna” at “Florante at Laura”.
Saad ni @FakeAlta: “Hot-take. Napaka boring ng Ibong Adarna at Florante at Laura. Pakitanggal na yan sa HS reading at palitan ng ibang nobela na relayable sa society katulad ng Noli Me Tangere at El Fillibusterismo.”
Maraming netizen ang kumontra sa kanya at sinabing hindi boring ang “Ibong Adarna” at “Florante at Laura”.
Narito ang reaksyon ng ilang netizens:
@nicoquejano: “Una, hindi nobela ang Ibong Adarna at Florante at Laura. Korido ang Adarna, Awit ang Florante at Laura. Hindi panitikan ang may problema dito. Appreciation ang kulang. Balagtas was writing about standing up to powers that be centuries ahead of Jose Rizal.”
@PatrickRepublic: “At kelan pa naging boring ang ibong nagtatae? tsaka Francisco Baltazar walked so that Rizal could have run charot haha.”
@khryssaranas: “Tama, palitan niyo ng She’s Dating the Gangster! Wahahaha baliw. Nasa curriculum ng junior high school ang Noli at El Fili, Grade 9 at 10. Sobrang laki ng ambag ng Ibong Adarna at Florante at Laura sa appreciation ko ngayon sa Phil Lit.”
@ohitsmiko: “Akala ko ba hot-take, mukhang may kailangan bumalik ng High School.
Korido kasi ang Florante at Laura maging ang Ibong Adarna. Hindi sila boring at hindi totoo na wala silang maibibigay na aral. Matalino ang pagkasusulat sa mga korido dahil sukat ang bawat taludtod at saknong.”
@mrstfhn: “You should learned what are the differences between awit, korido and nobela. If you don’t understand Ibong Adarna at Florante at Laura context you would never understand the novels of Rizal. Hanggang sa college may mga literatures pa din kayong babasahin, remember that.”
@pmjamilla: “At hindi naman nobela ang Ibong Adarna at Florante at Laura. Among many other things, hindi naman replacement ang kailangan but expansion ng selections at reassessment ng pedagogy. Any literary work has a certain degree of social significance—if you know how to read them.”
@sphynxreads: “I’m convinced people who didn’t enjoy Ibong Adarna or Florante at Laura just didn’t have good Filipino teachers.”
@ingaysunshine: “Ibong adarna tells u the lesson of how greed works & how it destroys family florante & laura touches the topic oppression under spanish regime. If u read it correctly & really understood it, makikita mo ito. at isa pa, inaaral din ang lirisismo sa mga likhang ito.” (IS)