WebClick Tracer

Alam kaya ni Loisa? Ronnie inaming ilang beses nambabae

Ronnie Alonte Loisa Andalio

Not once, but many times palang nag-cheat si Ronnie Alonte kay Loisa Andalio dahil may iba siyang nilalanding babae!

Kinuwento ni Ronnie sa ‘Magandang Buhay’ na ilang beses na raw siyang nahuli noon ni Loisa na nagloloko.

May time din daw na naghiwalay sila dahil nga sa pagiging babaero niya noon.

“Parang mga halos isang linggo, dalawang linggo, nawala ako talaga. Lumabas ako with tropa and friends para maalis sa utak ko ‘yung nangyari,” sambit ni Ronnie.

Aniya pa, wala raw kasalanan noon ang kanyang mga naging kalandian dahil hindi niya nalinaw na sila pa ni Loisa.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner,” lahad ng aktor.

Ngayon ay mukhang nagbago naman na si Ronnie, at ngayong pitong taon na silang magdyowa ay tingin niya’y si Loisa na ang ‘the one’. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on