WebClick Tracer

Walang interesado? Toni Gonzaga, dinurog sa tigil show sa ALLTV

Toni Gonzaga

Nahihirapan na umano ang actress at singer na si Toni Gonzaga na humanap ng mga guest para sa kanyang ALLTV show.

Sa komento pa ng isang netizen sa Twitter, pati raw mga senador ay pinagbentahan din ng kanyang ticket sa nakaraang concert nita sa Araneta Coliseum.

“Pagpapamudmod ng ticket sa concert ni Toni, confirmed: Pati mga senador, pinagbentahan!” tweet ng netizen.

“ALLTV hirap na hirap kumuha ng guest para sa show ni ToniGonzaga – iniiwasan ng mga artista! 🤡🤡🤡” dagdag pa nito.

Buwelta naman ng isang netizen din sa Twitter na patahimikin na lang umano siya ng kapatid na siAlex Gonzaga.

“@MsAlexGonzaga Dapat kasi patahinikin mo na ate mo. Magnanakaw at walang alam ang sinusuportahan niya, sino pa bang maniniwala saknya?? #ALLTV #Karma”

Matatandaang nahulog sa “cancel culture” si Toni dahil sa pagsuporta nito noong nakaraang eleksyon sa anak ng yumaong diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nitong nakaraan lang din ay maraming nagalit kay Alex dahil sa “kabastusan” na ginawa niya sa waiter noong kaarawan niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on