Arestado kahapon sa Taguig City ang isang babae dahil umano sa pagkuha ng halos P25 milyon mula sa mga lalaking nakausap sa isang dating app.
Kinilala ang babae na si Mikaela Veronica Cabrera, 26 taong gulang, na nakatira sa isang condominium sa Bonifacio Global City.
Umabot sa walong kalalakihan ang dumating sa prisinto at nagpakilala ring biktima
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek na humaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 2 o ang “Anti-Bouncing Check Law.”
(Jan Terence)