Ilang furparents sa social media ang nag-react sa mahabang guidelines ng LRT-2 para sa kanilang mga alagang hayop. Buwelta pa ng iba na mas marami pa umanong requirements ang kanilang pets kaysa sa maging Presidente.
“Subtle way of saying your pets are not welcome, but then, we have to give the appearance that we’re pet-friendly,” komento ng isang netizen sa Facebook.
“Sana sinabi na lang na wag na lang magdala ng pet. Hahahaha,” biro naman ng isa.
“Mas marami pang requirements kay sa maging Presidente,” komento naman ng isang furparent.
Sinabi naman ng isang netizen na “ironic” umanong kailangan pang magpakita ng vaccination card ng mga alagang hayop bago sila makasakay kaysa sa mga taong hindi na hinahanapan ngayon ng vaccination card.
“Ironic how passengers aren’t required to show their vaccination card pero kapag pets required 😆.”
(Jan Terence)