WebClick Tracer

Namatay dahil sa masamang panahon, pumalo na sa 45

Umakyat na sa 45 na katao ang namatay dahil sa masamang panahon magmula pa noong Enero 1, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang nasabing masamang panahon ay dahil sa low pressure areas, Northeast Monsoon at shear line.

Ayon sa NDRRMC, 518,825 na pamilya naman ang naapektuhan sa 14 na rehiyon.

Tinataya naman na nasa P1,135,474,100.18 na ang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Samantala, 86 na lugar naman ang nasa ilalim ng state of calamity.

(CS)

KW: Panahon

TELETABLOID

Follow Abante News on