WebClick Tracer

Mental Health Law, may karagdagang pondo – Gatchalian

Ayon kay Senador Win Gatchalian, mayroon umanong karagdagang pondo para sa usapin ng mental health. Ikinatuwa rin ito ng senador dahil suportado umano ito ni Vice President Sara Duterte.

“Merong karagdagang pondo, hindi ko lang masyadong matandaan sa ngayon pero alam ko meron silang inilagay sa Mental Health at ako ay natutuwa rin dahil doon sa report ni Vice President Sara talagang sinabi niya na paiigtingin nila ang Mental Health program ng DepEd kaya nakita ko na nakita rin ng ating bise presidente na mahalaga ang mental health at problema ito sa ating mga eskwelahan,” aniya.

Sinusulong na rin umano sa Senado ang pagpasa sa batas na proprotekta at susuporta sa mental health ng mga estudyante.

“Oo, itinutulak natin yan at priority natin yan na legislation at ako naniniwala na ang ating mga mambabatas nakita na importante ang batas na ito para masagip natin ang ating kabataan. Ang 404 mga menor de edad ito. Hindi ito mga nagtatrabaho, nag-aaral pa lang ito. Imagine mo between ages 6 to 18, meron tayong mga kasong nagpapakamatay at may mga kaso tayong attempted na gustong magpakamatay,” saad ni Gatchalian.

“So ang ibig sabihin nito na itong mental health illness sa ating mga eskwelahan hindi natin natututukan. At itong batas na ito layunin nito na palawigin pa ang mental health programs natin,” dagdag pa niya.

Nakitaan rin umano ni Gatchalian na kailangan pang palawakin ang mental health program sa mga paaralan.

“Unang-una yung mental health program dahil nakita namin sa mental health law kulang sa program. So gusto natin iinstitutionalized ang mental health program kasama na dito ang awareness. At pangalawa ang mag-iimplementa sa program natin ay kulang din dahil kulang tayo sa guidance counselors,” anang Senador.

“Bigyan kita ng halimbawa, kung ang requirement ay isang guidance counselor sa 500 bata, lumalabas na kailangan natin ng 47,000 guidance counselor pero ang DepEd meron lang silang 1,000 na guidance counselor. Kaya kulang na kulang at itong batas na ito palalawigin ang bilang ng guidance counselors sa ating mga eskwelahan,” dagdag pa niya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on