WebClick Tracer

Isko Moreno tatakbo pa ba sa politika?

Sumagot si dating Manila Mayor Isko Moreno kung may balak pa ba siyang tumakbo bilang politiko.

Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Isko na mukhang pahinga na siya ngayon sa public service.

“Retired na ako,” wika ni Moreno.

Aniya, mas masaya na raw siya ngayon sa kanyang buhay lalo’t mas marami siyang oras para sa kanyang pamilya.

“Well as far as I’m concerned, I’m happy now. I’m enjoying life. Salamat sa Diyos binigyan ako ng second chance to be with my kids, with my family. More time with my family,” aniya pa.

Matatandaan na tumakbo si Isko nitong 2022 presidential elections ngunit natalo. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on