WebClick Tracer

Hindi takot sa ICC? Duterte, handang makulong kaugnay sa war on drugs

Rodrigo Duterte

Handa umanong makulong at mamatay ang dating pangulo na si Rodrigo Duterte kaugnay sa digmaan kontra droga na inilunsad sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“You know ICC, you want me to go to prison? I will. As a matter of fact, I did it as a matter of principle, so that I will die for it and go to prison and rot there,” pahayag ng pangulo sa isang panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanya sa SMNI News Channel nitong Enero 30, 2023.

Ito ay matapos mag-desisyon ang International Criminal Court (ICC) na ipagpapatuloy ang imbestigasyon nito sa libo-libong pinaslang sa digmaan kontra droga ni Duterte.

Ngunit iginiit din ng dating pangulo na wala umanong karapatan ang ICC na manghimasok sa mga usapin sa bansa.

Nanindigan din si Duterte na walang nangyaring “crimes against humanity” sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“When was it a crime for a sovereign head of state? Since when was it a crime for me to threaten criminals? Do you know? Sinabi ko,” if you destroy my country, I will kill you,” anang dating pangulo.

“Is there a law against a president uttering such hostile words? Sabi ko “all out war.” If it resulted in the killing, well I’m sorry but that is how the game played. It’s always a confrontation,” dagdag pa niya.

Nilinaw din ni Duterte na hindi inosente ang mga kriminal.

“Do not make us believe that these criminals were innocent and helpless because they didn’t have the weapons to do it,” sabi ni Duterte.

Sa plano naman ng ICC na pumunta sa bansa at isagawa ang imbestigasyon kaugnay sa war on drugs, sinabi ni Duterte na wala silang karapatan na mag-imbestiga rito bagkus gawin umano dapat ito ng ICC sa labas ng bansa.

“Who are you? May I ask them. Who are you to initiate an investigation here? Do it outside. But if you come here and start to summon people, sending them summons, subpoena or whatever in the name of your court, you are just looking for trouble. And if you’re looking for trouble, trouble will come,” saad ng dating pangulo.

Matatandaang ayon sa ulat ng human rights groups, libo-libong tao na ang pinatay sa ngalan ng digmaan kontra droga na nagpalala ng kultura ng “impunity” o kawalang katarungan sa bansa.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on