WebClick Tracer

Cute magmura! Moira binansagang ‘Taylor Swift ng ‘Pinas’

Kung dati ay nakakakilig ang mga kanta ni Moira dela Torre, ngayon ay mapanakit na ang kanyang mga bagong release.

Sa concert nga niya sa Araneta Coliseum ay inawit niya ang ilan sa kanyang bagong kanta.

Sey ng mga netizens, posibleng patama sa kanyang ex-husband na si Jason Hernandez ang kanta.

May lyrics kasi ito na, “Ang kapal ng mukha mo. Wala na ngang tayo. Bat parang di pwedeng lumaya? Wala naman akong kasalanan. Huwag kang parang gago! Kung magkaroon man ako ng bago. Di ko kailangang magpaalam. Sa ilang taong nanloko, nagpaalam ka ba?”

Marami tuloy ang nagsabi na dahil sa pagkasawi sa pag-ibig ni Moira ay nagiging Pinoy version na siya ni Taylor Swift.

Kilala kasi si Taylor na nagsusulat ng mga kanta tungkol sa kanyang mga naging ex-BF.

@iamjctablac NEW SONG FROM MOIRA DELA TORRE! Angas mo Moi huhu marunong ka na din magmura haha #eme #moiradelatorre #newsong #concert #songlyrics #lyrics #trendingsong ♬ original sound – iamjctablac on IG

TELETABLOID

Follow Abante News on