WebClick Tracer

Babae, tumawag ng pulis matapos hiwalayan ng ex-lover na walang rason

Isang babae sa China ang tumawag sa pulisya matapos mapag-desisyunan ng kanyang dyowa na hiwalayan siya na hindi nagbibigay ng anumang dahilan.

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, inutusan ng babae na magsagawa ng monitoring sa kung ano man ang ginagawa ng lalaki upang malaman ang tunay na dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon na tumagal nang anim na tao.

Pinakita naman ng audio and video recordings kung gaano maging mapagpasensya ang pulis sa babae.

“Is it necessary to find him? Remember an old Chinese saying, ‘Not resign until reaching the Yellow River; not turn around until hitting the South Wall,’” sabi ng pulis sa kanya.

“But I just can’t figure out why he treated me like this,” umiiyak na sagot ng babae.

“He has already hurt you so much. If he returns to say some words to you, will you get involved with him again? You should be aware of what the root of this problem is and don’t give him any opportunity to take advantage of you,” sagot sa kanya ng pulis.

“But there is a person waiting for you who is worth your dedication,” diin pa niya.

Dagdag pa, pinayuhan siya ng pulis na putulin na ang anumang komunikasyon sa kanyang dyowa.

“Block his mobile number and other contact information. Break up with him in a decent manner. Have a peaceful mind and go out to meet more people, rather than staying alone and having various dark thoughts,” payo ng pulis sa kanya.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on