WebClick Tracer

Nagwala dahil sa dumbbell! Pamangkin, hipag, todas sa baril ng bodybuilder

Baril

Nahaharap sa kasong double murder ang isang food delivery rider at bodybuilder matapos nitong barilin ang kanyang hipag at pamangkin sa Brgy. San Isidro, Talisay City, Cebu nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report ng Talisay City police, nagwala at tila nag-amok ang suspek na si Rogelio Fernandez Jr., 39 anyos, delivery rider, matapos na hindi nito makita ang kanyang mga dumbbells na ginagamit sa body building.

Narinig na lamang ng mga kapitbahay ang sunod-sunod na putok mula sa bahay ng mga biktima.

Parehong dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Hilda Fernandez na hipag, at pamangkin ng suspek na si Gilbert Fernandez.

Nasugatan din ang isang pang kaanak na si Irene Fernandez.

Nasa kustodiya na ng Talisay City police ang suspek at sasampahan na ng kaso. (Ronilo Dagos)

TELETABLOID

Follow Abante News on