WebClick Tracer

Masama loob na nasayang effort kay Charice? Jake Zyrus ligwak sa concert ni David Foster sa ‘Pinas

Laglag umano sa concert sa Pilipinas ni David Foster si Jake Zyrus o dating si Charice Pempengco.

Ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, batid ng lahat na saanmang show ni David ay laging kasa-kasama si Charice.

Ngunit sa concert nito sa bansa ay wala si Jake.

Maaaring may sama umano ng loob si David nang tuluyan nang maging Jake si Charice.

Sa Marso ang concert ni David sa Pilipinas kung saan ilan umano sa mga Pinoy performer sina Morisette Amon at Martin Nievera.

Natalakay sa “Showbiz Now Na” ang tungkol dito.

“Ibinalita na natin sa isa sa mga episodes natin na parang lumapit siya kay David, pero harang dahil siyempre naman ikaw ba nagpakahirap ka sa karera ng isang tao tapos ganito ang kinauwian,” sey ni Cristy.  

“Palagay ko may problema talaga. Isipin mo naman, ipinakilala ni David si Charice Pempengco ang galing-galing ni Charice noon. Hinayang na hinayang ako kapag napapanood ko ang kanyang mga video with Celine Dion,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on