WebClick Tracer

Floyd Mayweather pinaglaruan ang isang YouTuber

Ipinakita ni Floyd Mayweather na kaya pa rin nitong makipagsabayan sa ring matapos paglaruan sa sparring fight ang isang YouTuber.

Makikita sa video na tila hindi pa siniseryoso ni Mayweather ang laban at habang gumagalaw ito ay tumatawa pa.

Ilang beses din nitong pinuruhan ang YouTuber gamit ang mga jab nito.

“.@FloydMayweather was having fun sparring Youtuber FaZe Jarvis”

Isa si Mayweather sa mga pinakamagaling na boksingero na nasilayan ng boxing fans. Kabilang sa mga tinalo nito ay si Conor McGregor, Manny Pacquiao, Juan Manuel Marquez, Oscar De La Hoya at Canelo Alvarez. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on