WebClick Tracer

Smuggled na sibuyas nabisto sa Zamboanga City

Tinatayang nasa 11,000 na bags ng puslit na sibuyas ang nabisto ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Navy (PN)-Naval Forces Western Mindanao at Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City.

Nakuha umano ng mga awtoridad sa isang van ang nasa 3,000 bags ng pulang sibuyas.

Sa sumunod na operasyon, nabisto naman sa isang sea vessel ang nasa 8,000 mesh bags na tinatayang nasa 44,000 kilos ng sibuyas.

Samantala, inaasahan naman na bababa na ang presyo ng sibuyas mula P180-P200 kada kilo dahil dumating na sa bansa ang mga inangkat na sibuyas mula sa ibang bansa.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on