Walang bumili ng tiket? James Reid kinansel shows sa Amerika
How true na “nilangaw” ang shows ni James Reid sa US kaya napilitan itong i-postpone?
Inanunsyo ni Reid sa kanyang Instagram ang postponement ng kanyang North American tour “to a later date this year”.
Hindi partikular na tinukoy ni Reid ang dahilan ng postponement at sinabi lang na sa panahong ito ay hindi pa niya maibibigay ang performance na deserve ng mga fan.
Sa January 28 episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz, napag-usapan ang pag-postpone ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre sa kanyang tour.
“‘Yun daw ang tinuturong dahilan, na flop daw ang ticket sales,” sey ni Diaz.
Dagdag ni Diaz, ayon sa ilang source niya, hindi nauubos ang mga mahal na tiket sa show ng aktor kaya tila nakikinita na hindi ito malakas at baka malugi ang producers. (IS)