WebClick Tracer

Villafuerte umapela sa Senado: Magna Carta for Religious Freedom bill aprubahan

Magna Carta for Religious Freedom bill

Villafuerte umapela sa Senado: Magna Carta for Religious Freedom bill aprubahan

Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Senado na aprubahan ang bersyon nito ng Magna Carta for Religious Freedom bill na pasado na sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Villafuerte layunin ng House Bill 6492 na bigyang garantiya na igagalang ang karapatan ng bawat isa na mamili ng relihiyon na aaniban at susundin nito at magbibigay ng proteksyon laban sa diskriminasyon kaugnay nito.

“The swift congressional passage of this proposed Magna Carta and its subsequent enactment into law will put flesh into our fundamental right, as guaranteed in Section 5, Article III of the 1987 Constitution, to freely choose, exercise and propagate any religion with its attending beliefs and practices, and to act and live according to one’s conscience without undue interference from the government or from any individual, juridical person or organization,” sabi ni Villafuerte.

Ayon kay Villafuerte layunin ng panukala na tiyakin na walang gagawing hakbang ang gobyerno o mga ahensya nito upang maapakan ang karapatan na mamili ng relihiyon.

Pagbabawalan din ang sinumang tao na gawin ito, ayon kay Villafuerte, pangulo ng National Unity Party.

Hindi naman mapipigilan ng panukalang Magna Carta ang gobyerno na ipatupad ang iba pang batas na lalabagin gamit ang karapatan na mamili ng relihiyon.

Sina Villafuerte, Camarines Sur Representatives Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata at Bicol Saro Rep. Nicolas Enciso VIII ang may-akda ng HB 278 na isinama sa HB 6492.

Sa Senado ay inihain ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Senate Bill 1043 noong Agosto 2022 na may katulad na layunin. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on