WebClick Tracer

TINGNAN: Pasilip sa studio ni Sarah G

Ilang buwan na lang ay matatapos na umano ang ipinatatayong G Studios nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Alabang, Muntinlupa.

Nitong January 28 ay may pasilip sa Instagram Story si Matteo sa itinatayong two-storey building.

Ayon sa ulat, may area para sa music studio shoot, photo shoot, TVC shoot at may commercial area ang G Studios, na tila may koneksyon sa kanilang pag-aaring production company na G Production.

Sa litrato at video na kuha ng Abante, makikita ang under construction na studio, na may mga billboard sa harapan.

Ilan sa mababasa sa billboard ang “coming soon”, “G Studios” at “your creative space in the south”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on