Hindi napigilang matawa ni Erwan Heussaff sa bigay-todong pagkanta ng dyunakis nila ni Anne Curtis na si Dahlia.
Sa Instagram Story, ibinahagi ni Erwan ang video, kung saan nasa carrier si Dahlia at pasan-pasan niya.
Habang tumatakbo si Erwan ay napakanta si Dahlia ng “Old MacDonald Had A Farm”.
Tawang-tawa si Erwan dahil sa malakas na pagkakanta ni Dahlia.
Ibinahagi rin ni Anne sa kanyang IG Story ang nakatutuwang eksena na ito ng kanyang mag-ama, na kuha sa Baguio City.
“That morning energy tho! Must be the fresh air!” comment ni Anne. (IS)
