Pagpatay kay Yvonne Plaza pinakakalkal sa Kamara
Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc upang paimbestigahan ang pagpaslang sa modelo at negosyanteng si Yvonne Chua Plaza upang mas mapalakas umano ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan.
Sa House Resolution 729, hiniling ng mga mambabatas na pangunahan ng House Committee on Women and Gender Equality ang imbestigasyon.
Ang 38-anyos na si Plaza ay binaril at napatay sa labas ng kanyang bahay sa Tugbok District, Davao City noong Disyembre 29, 2022.
Nadawit sa krimen si dating Presidential Security Group (PSG) chief Army Brigadier General Jesus Durante III na kinasuhan kasama ang iba pang tauhan ng Philippine Army.
“The case of Plaza adds up to the number of cases of violence against women perpetrated by men in uniform. It also proves that the culture of violence continues to thrive inside the Armed Forces of the Philippines,” sabi sa resolusyon. (Billy Begas)