Marcos hinimok mag-upo ng DSWD secretary na walang political ambition
Isang indibiduwal na wala umanong interes na pumasok sa politika ang dapat na mapili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan totoong mayroong malasakit sa mahihirap ang kailangan sa DSWD para hindi magamit ang ahensya sa personal na interes.
“The country does not need a DSWD head who is keen on running for public office in the 2025 or 2028 elections,” sabi ni Libanan.
Naniniwala si Libanan na madaling maaalis ang atensyon ng kalihim ng DSWD kung nakatingin din ito sa politika.
Nananatiling bakante ang posisyon ng DSWD secretary matapos na ma-bypass ng Commission on Appointment ang appointment ni Erwin Tulfo. Si Undersecretary Edu Punay ang tumatayong officer-in-charge ng ahensya.
Ayon kay Libanan, sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act ay mayroong P4.12 bilyong Disaster Response and Management fund kasama na rito ang P1.75 bilyong Quick Response Fund (QRF).
Ang QRF ang pondo na ginagamit para sa mabilisang rehabilitation at relief operation sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Sinabi ni Libanan na sa pananalanta ng baha sa Eastern Visayas at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao kamakailan ay natagalan ang pagdating ng tulong mula sa DSWD. (Billy Begas)
KW: Marcos DSWD secretary
SEO: Marcos Hinimok Mag-Upo Ng DSWD Secretary Na Walang Political Ambition
META: Isang indibiduwal na wala umanong interes na pumasok sa politika ang dapat na mapili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng DSWD.