WebClick Tracer

‘Kahit lubog na ang panga’: Ogie Diaz bumilib sa tapang ni Kris Aquino

Humanga ang talent manager at comedian na si Ogie Diaz kay Kris Aquino.

Wala raw kasing pakialam si Kris kahit pa anong itsura niya para mag-update sa pakikipaglaban niya sa kanyang rare illness.

“Umiyak ako nung sinabi ni Kris na wala sa anumang bahagi ng kanyang organs ang tinamaan ng cancer o tumor,” ani Diaz sa January 28 episode ng “Showbiz Update”.

Patuloy niya, “Grabe ‘no! Kris Aquino ang tapang-tapang mo naman! Nakakalokah ka!

“Hindi ko kaya ‘yung tapang mo. Diyuskopo, talagang wala siyang pakialam na i-post niya ‘yung para siyang ano, deglamorized siya.

“Talagang kahit na lumubog na ‘yung kanyang panga, tapos parang marami pa siyang parang galos bilang allergic reaction siguro sa iniinom niyang gamot pero matapang niya itong hinarap at tinanggap at nilalabanan. All for the love of her sons.

“Talagang iba ‘yung naibibigay na strength sa kanya ng presensiya ng dalawa niyang anak,” dagdag niya.

Tingin din daw ni Diaz ay pagaling na si Kris dahil ito mismo umano ang nag-e-edit at nagko-compile ng mga litrato at video na inilalabas nito sa social media. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on