WebClick Tracer

Bato sa pagpupumilit ng ICC na imbestigahan ang drug war: ‘Tayo ba’y kanilang mga alipin?’

Bato sa pagpupumilit ng ICC na imbestigahan ang drug war: ‘Tayo ba’y kanilang mga alipin?’

Pikon na pikon na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpupumilit ng International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon sa anti-drug war ng pamahalaan.

“Walang probleman diyan kung ano ang gawin nila diyan. Basta tayo alam natin kung ano ang rason ng gobyerno kung bakit nila inaayawan na pumasok sila sa ating jurisdiction na mag-conduct ng kanilang imbestigasyon dahil gumagawa naman ang ating judicial system,” sabi ni Dela Rosa sa panayam sa DZBB.

Si Dela Rosa ang dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) chief noong panahon ng giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang naman diyan, hindi sa merong tayong itinatago, na merong tayong kasalanan, na meron tayong kino-cover up. Di po yan ang rason kaya umaayaw ang gobyerno natin at tayo mismo umaayaw,” ani Dela Rosa.

“Ang issue diyan is sovereignty. Umaayaw na nga tayo, di na nga tayo miyembro ng kanilang hanay, hindi na tayo miyembro ng ICC, insisting pa rin sila kahit inaayawan na,” dagdag pa niya.

Sa paghihimasok ng ICC, sinabi pa ni Dela Rosa na tila nakakalalaki na ang mga ito at hindi ginagalang ang ating kasarinlan.

“So para bang yung panghihimasok nila ay nakakalaki na. Are we their subjects? Tayo ba’y kanilang mga alipin? Bakit hindi nila kilalanin yung ating kasarinlan? Try nila kung mag insists sila, tingnan natin.

Binigyang diin ni Dela Rosa, na hindi dapat magpataw ng standard ang ICC dahil meron sariling Konstitusyon ang Pilipinas.

“Huwag tayong mag-impost standard dahil meron kaming sariling Konstitusyon, meron kaming batas na sinusunod. Meron kaming sistema na pinapairal at ‘wag kaming insist standard n’yo. Kung anong standard ang iniisip n’yo diyan, huwag n’yo kaming diktahan,” ani Dela Rosa.

“Who you to impose standard upon us?” tanong pa ng senador. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on