WebClick Tracer

Angelica Panganiban inalala pagkahiwalay sa kanyang pamilya dahil sa Covid-19

Angelica Panganiban

Angelica Panganiban inalala pagkahiwalay sa kanyang pamilya dahil sa Covid-19

Naluluhang inalala ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang naranasang sapilitang pagkahiwalay sa pamilya dahil sa Covid-19.

Noong kasagsagan ng pandemyang Covid-19, naghiwalay ang aktres sa kanyang anak na si Amila at kanyang fiance businessman na si Gregg Homan.

Sa kanyang latest YouTube vlog, di nakapagpigil sa pagluha ang aktres sa pagkwento tungkol sa kanyang mga naging karanasan noong may restriksyon lahat dulot ng pandemya.

“Una kong ginawa, tinawagan ko ‘yung doctor ng anak ko, asking kung ano ‘yung pwede kong gawin para hindi ko siya mahawaan and si Gregg. Sinabihan naman niya ako na magpump na lang muna ako at mag-bottle feed,” paliwanag ni Angelica.

Sinabi naman niya na kaya niyang labanan ang sakit ngunit ang sitwasyon ay naging mahirap sa kanya.

“Hindi ko maalagaan ‘yung bata. Hindi ko mahawakan. Parang torture,” she said as tears welled up from her eyes. “Parang mas mahirap pa ‘yun sa nararamdaman kong sakit, pero kailangan magsakripisyo na ilang araw lang naman sana, na hindi ko makakasama ‘yung anak ko atsaka si Gregg,” aniya.

“Sobrang sama na ng pakiramdam ko, parang ang hapdi hapdi na ng balat ko sa init. Nahihirapan akong kumain, nahihirapan akong umupo,” dagdag pa niya.

Marami umano siyang realizations dahil sa nangyari sa kanya.

“Baka this is also a reminder na nandiyan pa rin talaga ‘yung virus, kailangan pa rin nating mag-take ng precautions, kailangan pa rin nating mag-ingat,” sabi ng aktres.

“Naisip ko nga rin na baka i-grab ko na rin ‘tong opportunity na ito para makapagpahinga. Magmula noong nanganak ako, hindi naman na ako nakapagpahinga, hindi na ako nakalagpas ng walong oras na tulog. May silver lining pa rin naman ang lahat ng ito,” pagpapatuloy niya pa.

(Jan Terence)

TELETABLOID

Follow Abante News on