WebClick Tracer

Mga residente sa Romblon binarahan mga truck ng Altai Mining

Odiongan, Romblon – Nagbarikada ang mga residente ng Sibuyan Island, Romblon sa kalsada papasok ng pantalan na ginawa ng Altai Philippines Mining Corporation sa España, San Fernando, Romblon ngayong Sabado, January 28.

Ito ay para harangin ang mga naglalakihang mga truck ng mining company na Altai Philippines Mining Corporation na may kargang mga lupa na dadalhin sa isang barge na magdadala naman patungong China.

Nagtungo na sa lugar ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station upang masigurong hindi mauuwi sa gulo ang iringan ng mga residente at ng mining company.

Mahigit tatlong araw nang nananatili ang mga residente sa labas ng pantalan para bantayan ang galaw ng mining company sa lugar lalo pa umano’t ipinatigil ng lokal na pamahalaan ang konstruksyon sa pantalan dahil sa kawalan ng papeles.

Ang ginawang paghahakot ng Altai Philippines Mining Corporation ay bahagi ng inaprubahan sa kanila ng Department of Environment and Natural Resources na 50,000 MT ng nickel ore na puwedeng ilabas ng isla para ma-test ng mga buyer mula sa ibang bansa.(Paul Jaysent Fos)

TELETABLOID

Follow Abante News on