Ilang araw na lang at lilipat na ang buwan sa Pebrero, kasabay nito ang pagsirit ng presyo ng bulaklak.
Sa paparating na araw ng mga puso, may taas-presyo na sa Dangwa Flower Market sa Manila.
Ang long-stem na rosas na mula sa P300 ay pumalo na sa P700, ang short-stem na rosas naman na mula sa P120 ay naging P350 na.
Samantala, ang paborito namang sunflower ay tumaas din ang presyo, mula sa P500 ay naging P800 na ito.
Ang pagtaas umano ng presyo ay dahil sa kakulangan ng suplay.
(CS)