WebClick Tracer

Janine Gutierrez humanga sa talento ni Dolly de Leon

Ibinahagi ng aktres na si Janine Gutierrez ang fan girl moment nito matapos makasama sa programang ‘Dirty Linen’ ang beteranong aktres na si Dolly de Leon.

Bukod sa masaya nitong karanasan kasama si Dolly, nais pa ni Janine na makasama sa isa pang proyekto ang beteranong aktres.

“So happy to work with you Miss @dollyedeleon!!!! I’m a fan 4ever and I will always treasure this little talk. Thank you thank youuuu Gawa tayo ulit please??”

Sumagot naman si Dolly ng positibong komento sa nasabing post.

“I support you, anak. Obosen ang mga Fiero na yan! Always have been and always will be a huge fan of yours. Mutual admiration club ito”

Kamakailan lang ay nanalo si Dolly ng Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards sa Sweden.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on