Makikilatis ang tikas ni Sakalam ngayong araw (Biyernes) pagtakbo sa Philracom (Philippine Racing Commission) 3-Year-Old & Above Maiden Race sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/ Tanauan, Batangas.
May distansyang 1,200 meter race, ang ibang kalahok ay sina Queen Of The South, This Is Your Day, Rock To The West, Lucky Lucy, Mucho Caliente at Batang Kankaloo.
Papatong kay Sakalam si Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Patty Ramos Dilema. Asinta nilang timbugin ang P20K para sa winning horse owner.
Pinapatok ng karera tipsters sa programa si Sakalam kaya asahang dodominahin nito ang bentahan sa takilya.
Ang kaganapan ay isa sa walong pakarera ng MMTCI mamayang hapon. (Elech Dawa)