WebClick Tracer

Roderick Paulate butata sa Sandiganbayan

Hindi pinaboran ng Sandiganbayan ang apela ni Roderick Paulate para baligtarin ang naging hatol sa kanya kaugnay sa “ghost employees”.

Sa isang resolusyon na may petsang Enero 23, ibinasura ng Seventh Division ang motion for reconsideration ni Paulate para sa November 2022 decision nito dahil sa kawalan ng merito.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Paulate na wala siyang kaalaman na ang mga kinuhang job contractor ay “fictitious” o “non-existent”.

Noong Disyembre 2022, “guilty” ang naging hatol ng Sandiganbayan sa aktor sa kasong graft at falsification kaugnay sa pagkuha umano nito ng “ghost employees” noong 2010 nang nagsisilbi pa siyang konsehal ng Quezon City.

Sinabi ng anti-graft court na inirekomenda ni Paulate ang pagkuha sa 30 katao sa ilalim ng “job contracts” at sumahod ng mula July hanggang December 2010, kahit pa may mga iregularidad sa Personal Data Records ng mga ito.

Hinatulan ng korte si Paulate na makulong ng mula anim hanggang walong taon, at hindi na maaaring humawak ng posisyon sa gobyerno, para sa kasong katiwalian.

Sa kasong falsification of public documents, hinatulan ng korte si Paulate na makulong ng mula anim na buwan hanggang anim na taon, at multang P10,000 (bawat isa sa eight count).

Hinatulan din si Paulate ng pagkakakulong ng anim na buwan hanggang walong taon, at multa na P10,000 para sa kasong falsification by a public officer charge. (IS)

KW: Roderick Paulate

SEO: Roderick Paulate Butata Sa Sandiganbayan

TELETABLOID

Follow Abante News on