WebClick Tracer

Panukalang public schools of the future pasado sa 2nd reading ng Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang Public Schools of the Future bill.

Ang House Bill 6572, na naglalayong maglatag ng programa upang magamit ang digital technology sa pagtuturo sa pampublikong paaralan, ay inaprubahan sa sesyon noong Miyerkoles sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala ay itatayo ang Public Schools of the Future in Technology Inter-Agency Task Force (PSOFT-IATF) na siyang bubuo ng PSOFT Road Map o ang mga plano, programa, at proyekto na kailangan upang magamit ang digital technology sa public basic education.

Itatayo rin ang digital format ng Alternative Learning System para sa mga nais na mag-aral subalit hindi kayang pumasok sa regular na paaralan.

Gagawa at ipatutupad ang Internet Safety Policy at itatayo ang isang Public Online Library kung saan makikita ang mga digital copy ng mga textbook at iba pang reference materials na ginagamit sa pampublikong paaralan.

Magtatayo ng mga pilot school sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao sa pagsimula ng programa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on