Tumaas ang bilang ng mga nagpakasal sa Pilipinas noong 2022 kumpara noong 2021.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 286,555 ang rehistradong kasal mula Enero hanggang Setyembre 2022.
Mataas ito ng 13.1% kumpara sa total registered marriages na 253,426 sa parehong period noong 2021.
Pinakamaraming nagpakasal sa CALABARZON sa 42,122 o 14.7% ng kabuuang kinasal sa bansa.
Samantala, tumaas ng 25% ang bilang ng nagpakasal sa National Capital Region sa 33,811 noong 2022 mula sa 27,059 sa parehong panahon noong 2021.
Ang Quezon City ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga rehistradong kasal sa 11,236 o 33.2% ng kabuuang ikinasal sa rehiyon.
Ayon sa PSA, ang mga numerong iprinisenta ay “preliminary” at maaaring magbago pa. (IS)