Sa halip na pag-amyenda sa Konstitusyon ang atupagin, sinabi ng isa sa mga gumawa ng 1987 Constitution na ang ipasa na lamang ng Kongreso ay ang anti-dynasty law.
Sa deliberasyon ng House Committee on Constitutional Amendments, sinabi ni dating Commission on Elections chairperson Christian Monsod na hindi ang Konstitusyon ang problema kundi ito ang solusyon.
“Real change cannot happen until we strike at the roots, not at the branches of the problem. Congress has not passed an anti-dynasty law for 35 years and blames the Constitution for the lapse. That is a lame excuse. The real reason is self-interest. So instead of rushing to amend the Constitution why don’t our legislators pass an anti-dynasty law,” sabi ni Monsod.
Binanggit din ni Monsod ang pang-aabuso umano ng mga political dynasty sa party-list system kaya dapat ding magpasa ang Kongreso ng batas upang matigil ito.
Ipinaliwanag ni Monsod na ang 1987 Constitution ay mayroong tatlong tema—ang polisiya para sa social justice at human rights, ang paglaban sa authoritarianism, at ang paglalagay ng ekonomiya sa kamay ng mga Pilipino.
“The starting point of the rich and the poor are not equal. Social justice is about adjustment of these starting positions through education and health, and four asset reform programs agrarian reform, fisheries reform, urban land reform and housing, and ancestral domain where the poorest of the poor are,” dagdag pa ni Monsod.
Ang mga problema umano ng bansa ngayon ay nag-ugat sa hindi pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma na nasa Konstitusyon, ang kakulangan ng pondo para sa mga programang ito at ang mga butas sa batas na ginawa ng Kongreso.
Ayon kay Monsod walang Konstitusyon na perpekto dahil ang nagsulat nito ay hindi perpektong mga tama. Pero ang 1987 Constitution umano ay nakabatay sa konsultasyon sa publiko na ang nais ay direkta nilang maiboto ang kanilang Pangulo.
Iginiit ni Monsod na hindi ang Konstitusyon ang problema kundi ito ang bahagi ng solusyon. (Billy Begas)