WebClick Tracer

Lider ng talamak na nakawan sa Japan, nasa Pilipinas?

Nasa Pilipinas diumano ang isa sa mga lider ng talamak na nakawan sa Japan.

Ayon sa report ng Kyodo News, walong suspek ang naaresto kaugnay sa pagnanakaw noong Oktubre 2022 sa siyudad ng Inagi sa Tokyo.

Patuloy umano ang pulisya sa pag-iimbestiga upang matukoy ang “Luffy” ringleader na pinaghihinalaang nasa likod ng sunud-sunod na pagnanakaw sa bansa.

Nagsimula umano noong nakaraang taon ang talamak na nakawan sa Japan na isinasagawa ng mga taong inutusan ng mga ringleader gamit ang naka-encrypt na messaging app na Telegram.

Sa pagsusuri sa mga teleponong pagmamay-ari ng ilan sa mga naaresto nakita ang mga utos mula sa tatlong pangalan — Luffy, Kim at Mitsuhashi.

Ang telephone number na naka-link kay Luffy ay nagpapahiwatig na ito ay nasa Pilipinas.

Ayon sa mga pulis, karamihan ng mga naaresto ay ni-recruit online.

Isa sa mga suspek ang nagsabi pa umano sa pulisya na hindi siya makawala sa “sindikato” dahil sa takot para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on