WebClick Tracer

Steven Adams babu muna sa Grizzlies

Tinatayang nasa tatlo hanggang limang linggo na mawawala sa Memphis Grizzlies si Steven Adams, ito ay dahil sa natamo nitong injury sa kaniyang kanang tuhod.

Natamo ito ni Adams noong natalo sila laban sa Phoenix Suns.

Talagang malaking kawalan ito para sa koponan dahil si Adams ang inaasahan nila sa ilalim. Mayroong average si Adams ngayong season na 8.6 puntos, 11.5 rebounds at 1.1 blocks.

Matapos makabuo ng 11 game winning streak ang Grizzlies, nagsunod-sunod na ang kanilang pagkatalo at dinaranas ngayon ang three game losing streak.

Sa kasalukuyan, nasa pangalawang pwesto sa Western Conference ang Grizzlies. 

Isa ang Grizzlies sa mga pinakabatang koponan sa torneyo na pinangugunahan nina Ja Morant, Desmond Bane at Dillon Brooks. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on